Suportado ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang exploration na ginagawa ng Comelec sa internet voting technology.

Ayon kay PPCRF Information Technology director Dr. William Emmanuel Yu, mayroong mga advantages at disadvantages pagdating sa internet voting system.

Isa sa mga nakikita niyang hamon sa mode of election na ito ay ang issue sa transparency.

Mahirap din aniyang maipaliwanag sa lahat ng mga botante ang tungkol sa digital ledgers at blockchains o ang open sourcing for the internet voting systems.

Bagama’t nakikita nilang advantage ang accessibility sa internet voting system, maituturing din aniya nila itong disadvantage sa ilang mga botante.

Nakakaranas kasi aniya ng connectivity o device access issues ang ilan sa mga botante sa ibang mga lugar or hurisdiksyon.

Halimbawa na aniya rito ang nangyari sa unang test run na isinagawa noong nakalipas na weekend kung saan ang mga participants sa China at Iran na nangailangan ng tulong bago sila nakaboto.