ILOILO CITY – Target ng Ilonggo athlete na si Evalyn Palabricana makuha ang gold medal sa Javelin thrown women sa nagpapatuloy sa Southeast Asian (SEA) Games 2019.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Palabrica ng Barangay Guipis, Anilao, Iloilo, sinabi nito na maliban sa javelin throw, mahilig din siya sa volleyball at iba pang sport.

Ayon kay Palabrica, makailang beses din siyang naglaro sa Palarong Pambansa bago kinuha ng Far Eastern University at nakapaglaro na sa 2015 at 2017 SEA Games.

Sa ngayon aniya ay inspirasyon niya ang kanyang pamilya lalo na ang makapagbigay ng karangalan sa bansa.

Gaganapin ang laban ni Palabrica sa darating na Disyembre 8 kung saan umapela rin ito ng dasal at suporta sa lahat ng Filipino.