Reading Time: 1 minute

DAVAO CITY – Binigyang linaw ni Sen. Bong Go na wala umanong kasalanan ang mga opisyal ng barangay kung bakit ilang beses na na-postpone noon ang barangay election na siya umanong dahilan na dalawang taon na lamang ang termino ng mga ito.

Sa panayam kay Go, kanyang sinabi na ito ang dahilan na maghahain siya ng resolusyon sa Senado na hindi muna magsasagawa ng barangay at SK election sa susunod na taon.

Inihayag rin ng senador na gusto niyang mabigyan ang mga opisyal ng Barangay ng panahon na magawa nila ang kanilang mga plano at proyekto sa kanilang mga komunidad.

Kulang rin umano ang panahon kung gagawin agad sa susunod na taon ang eleksiyon lalo na at noong 2018 lamang isinagawa ang barangay elections.