Pope Francis 2
Pope Francis / IG post

Kinansela ni Pope Francis ang kaniyang nakatakdang misa sa Roma dahil sa masamang pakiramdam nito.

Ayon sa Vatican, nagkaroon ang Santo Papa ng “mild ailment” matapos na ma-trangkaso.

Sinabi naman ni Vatican chie
f press officer Matteo Bruni, na minabuti na lamang ng 83-anyos na Santo Papa na manatili sa guest house ng Vatican.

Nakatakda sanang magsagawa ng misa ang Santo Papa sa Basilica of St. John Lateran subalit dahil sa karamdaman ay kinansela nito.

Dagdag naman ni Bruni na walang pagbabago ang nakatakdang pagbisita ni Pope Francis sa bansang Argentina.

-- Advertisement --