-- Advertisements --

Hinimok ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang Department of Health (DOH) na isama ang pondo sa pagbili ng COVID-19 vaccine sa kanilang magiging panukalang pondo para sa susunod na taon.

Mismong si Speaker Alan Peter Cayetano na aniya ang nagsabi na handa ang Kamara na mag-appropriate ng pondo para sa COVID-19 vaccine.

“I am suggesting that the DOH already incorporate in its budget proposal its estimated funding requirement for the doses the country needs to protect our people from coronavirus,” ani Rodriguez.

Ang DOH aniya at hindi ang Kongreso o anumang ahensya ang may expertise sa pagtantya sa magiging halaga ng mga bakuna at ang may access din sa iba’t ibang manufacturers.

“We will have to rely on them especially considering that the Covid-19 vaccine is yet to be found, though several countries and pharmaceutical companies are racing to develop it,” dagdag pa nito.

Ayon kay Rodriguez, may sapat pang panahon ang DOH pati na rin ang Department of Budget and Management na magsagawa ng adjustments sa magiging pondo sa bakuna gayong sa Hulyo 27 pa naman ang pagsisimula ng sesyon at pagsusumite ng panukalang pambansang pondo.

Maari rin aniyang bigyan ng Kamara ng extension ang DOH para tapusin ang kanilang panukalang pondo para sa susunod na taon.