KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa kaugnayan ng mga political clan sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) matapos ang narekober na mga high powered firearms at explosives sa Talitay, Maguindanao.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay 6th Infantry Division (ID) spokesperson Maj. Arvin Encinas, matibay na ebidensiya ang hinahawakan nila ngayon laban sa grupo nina Montasir Sabal at Suraida Ameril na naging mahigpit na magkatunggali sa pagkabise alkalde ng nabanggit na bayan.

Ayon kay Encinas, signature ng BIFF ang mga IED fragments at materyales na nakuha sa mga suspek na matibay na patunay laban sa mga ito.

Maliban dito, may mga drug paraphernalia din na nakuha sa mga ito.

Napag-alaman na ang nabanggit na mga political clan ang matagal nang may alitan.