Naniniwala si Deputy Speaker at Las Pinas Rep. Camille Villar na maiiwasan ang paggamit ng sobrang lakas ng mga law enforcement personnel kapag may suot itong mga body camera sa kanilang operasyon.
Ayon kay Rep. Villar ang pagkakaroon ng polisiya sa paggamit ng body-worn cameras ay lalong magsusulong sa transparency and accountability sa mga law enforcement officers.
“This policy will also prevent law enforcers from excessive use of force in the execution of their duties,” ayon kay Rep. Villar.
Inihain ni Villar ang House Bill No. 8352 na layong i-formalize ang isang polisiya sa pagsusuot ng body-work camera at paggamit ng dash cam ng lahat ng mga law enforcement officers sa tuwing magkasa ang mga ito ng operasyon.
Sabi ng mambabatas ang mga narecord na footage ay maaaring gamitin bilang ebidensiya sa imbestigasyon at magagamit din ito para mapanagot ang mga opisyal kapag may pagmamalabis.
“This bill seeks to formalize a body-work camera and dash cam policy for all law enforcement officers with the authority to conduct searches and make arrests in order to promote transparency in law enforcement operations and pave the way for speedy investigations in cases of dispute,” pahayag ni Rep. Villar.
Sa ilalim ng nasabing panukala, mandatory o required ng magsuot ng body camera ang lahat ng law enforcement agencies at i-record ang nasabing operasyon.
Mahigpit din ipinagbabawal ang paggamit ng mga body cameras sa mga walang kaugnayan sa law enforment operation.
Sinabi ng mambabatas na lahat ng mga recorded videos ay magiging avilable para sa pagsusuri ng publiko subalit subjevt ito sa privacy and security considerations.
“Footage captures on body-worn cameras or dash cameras can be an invaluable tool on how law enforcement officers interact with the public and vice versa,” dagdag pa ni Rep. Villar.
Kung maalala, nuong 2021, ang Supreme Court ay naglabas ng guidelines sa paggamit ng body cameras at required ang mga law enforcers na magsuot ng body cameras kapag sila ay nagsisilbi ng warrants.