Reading Time: 1 minute

Posible na sa krisis sa tubig na naranasan ng bansa kamakailan ang isa sa mga dahilan ng outbreak ng dengue at polio sa ilang lugar sa bansa, ayon kay Anakalusugan party-list Rep. Michael Defensor.

Naapektuhan kasi aniya ng krisis na ito ang kalinisan sa bahay at personal hygiene ng mga apektado komunidad.

“We imagine the severe water supply interruptions between March to early August – mainly due to dams across the country drying up on account of the prolonged drought – played a part in the spread of diseases,” ani Defensor.

“The reality is, lack of water can force people, especially in disadvantaged communities, to defecate in the open – even in places where children may be playing,” dagdag pa nito.

Nitong Huwebes, Setyembre 19, sinabi ng Department of Health muling bumalik ang polio sa Pilipinas makalipas ang 19 taon na libre ang bansa sa naturang sakit.

Sa ngayon, mayroon nang kumpirmadong polio cases sa Lanao Del Sur at Laguna.

Sinabi ni Defensor na batay sa pag-aaral ng World Health Organization, ang isang indibidwal na may polio ay maaring makahawa sa iba kapag hindi nakapaghugas ng husto ng kamay o walang maayos na hygiene.