Aminado si Philippine National Police (PNP) chief police director Gen. Ronald Dela Rosa na kanila nang inaasahan ang pagtaas ng demand ng shabu ngayong “ber” months.

Ayon sa PNP chief, bukod sa mga krimen ay kanila pang palalakasin ang pagbabantay lalo na ang bentahan ng iligal na droga lalo’t kaliwat kanan ang mga party sa tuwing holiday season.

Dahil dito, ipinag-utos ni Dela Rosa na palalakasin nila ang police vìsibility o pagpapakalat ng mga pulis sa mga matataong lugar.

Imomonitor din aniya nila ang crime trend para mapagsabihan ang mga commander sa mga lugar na may mataas na krimen na ayusin ang kanilang trabaho.

Magdedeploy din sila ng mga pulis sa mga shopping malls at areas convergence ng taongbayan.

” I am giving instructions to my subordinate commanders to maximize their police visibility dahil nga kapag ber months lumalakas yung economic activity,” pahayag ni Dela Rosa.