ILOILO CITY – Walang habas na tinadtad ng bala ng mga pinaniniwalaang kasapi ng New People’s Army (NPA) ang San Remegio Police Station sa lalawigan ng Antique.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Captain Janvier Gilza, hepe ng San Remegio PNP, sinabi nito na hindi bababa sa 15 mga rebelde ang umatake sa kanilang himpilan.

Ayon kay Gilza, 10 beses na pinaputukan ng mga rebelde ang kanilang police station.

Nagawa namang makaiwas ng mga pulis sa nasabing pamamaril.

Napag-alaman na ang bayan ng San Remegio sa Antique ay kabilang sa mga election hot spot.