CEBU CITY – Ipapatawag ng pamunuan ng Police Regional Office (PRO-7) ang mga police station commanders upang bantayan ang investment scheme na Kabus Padatuon o KAPA.

Ito ang naging pahayag ng PRO-7 regional director na si Brig. Gen. Debold Sinas kasabay ng mahigpit nitong pagbabantay sa Cebu.

Kaya naman inaalam pa ni Sinas kung may nakikisali bang pulis sa nasabing investment scam.

Ayon sa regional director na isasailalim agad sa imbestigasyon ang sinumang pulis na sumali at ume-escort umano sa KAPA.

Dagdag pa ni Sinas na nakikipag-unayan na ito sa Securities and Exchange Commission (SEC) upang mabigyan kaagad ng kaukulang aksyon.