CAGAYAN DE ORO CITY -Balik schooling na ang police official na nalagay kontrobersya nang mag-amok at nananakit ng mga empleyado at customer sa restobar na nakabase sa Upper Carmen,Cagayan de Oro City.

Ito ay matapos unang nagalit si Police Capt Calvin Nario Placer,35 anyos,may asawa nang tinanggihan ng customer na babae na bigyan ng celphone number at magpakilala habang nasa nasagsagan kasama ang kanyang mga kaibigan nang inuman sa syudad.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Carmen Police Station commander Maj Jelesis Teves na pinakawalan ng korte si Placer dahil pumasok ng amicable settlement ang mga dalawang panig kaya ibinasura ang tatlong kasong kriminal.

Inihayag ni Teves na bagamat nalusutan nito ang mga kasong kriminal subalit hindi naman ito ligtas para sa kanyang pananagutan sa aspetong administratibo.

Magugunitang hindi malinaw kung bakit nakalabas sa PNP’s Regional Training Center -10 ang suspek at umaabot sa isang bar kasama ang dalawa pang police officials noong petsa 15 ng Pebrero 2020.

-- Advertisement --