-- Advertisements --
27k victims rescued in las pinas pogo raid

Nagbanta ang isang Philippine Offshore Gaming Operator (Pogo) firm na umano’y sangkot sa human trafficking na maghahain ng mga kaso laban sa joint task force ng National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa pagkulong sa 2,714 biktima sa Las Piñas City.

Sa demand letter na ipinadala sa Philippine National Police at Bureau of Immigration, inakusahan ni Atty. Ananias Vargas na kumakatawan sa kompaniya na pinagbawalan umano ng joint task force ng NCRPO ang mga nasagip na indibidwal na nasa kanilang kustodiya na makaalis mula sa premises ng Xinchuang Network Technology Inc. o “Hong Tai Compound kung saan sila nasagip.

Hiniling din nito na payagang makaalis na ang lahat ng mga biktima na nasa loob ng bisinidad nang walang kondisyon.

Dahil kung hindi aniya ay maghahanda ang kanilang kliyente na kaukulang aksiyon gaya ng criminal at administrative complaint laban sa mga ito at sa buong Task Force sa courts of law at government tribunals.

Sa parehong demand letter, inakusahan din ni Atty. Vargas ang mga opisyal ng NCRPO Task Force ng pisikal na pang-aabuso sa walong dayuhan, kung saan tatlo sa mga ito ay Chinese nationals na lubha umanong nasugatan.

Sinabi din nito na ininterrogate ang mga dayuhan ng walang tulong ng abogado.

Naipaalam din sa kanila na pinilit umano ng Task Force ang mga dayuhan na lumagda sa isang dokumento na hindi nila maintindihan.

Sa kabila naman ng mga reklamo at alegasyon, nanindigan ang Philippine National Police na ang kanilang operasyon ay lehitimo at isinilbi ang orders mula sa isang competent na korte.

Pinabulaanan din ng PNP ang mga abuse allegation at sinabing palagi nilang sinisiguro na mapoprotektahan ang karapatang pantao sa bawat operasyon na kanilang isinasagawa.

Una rito, noong Huyo 27, iniulat ng NCRPO na nasa kabuuang 2,714 indibidwal na Pilipino at banyaga sa ikinasang raid para sa paglabag ng Expanded Anti-Trafficking in Persons Act.