Reading Time: 1 minute
Gen Oscar Albayalde
PNP Chief Albayalde

Handang magbigay ng tulong ang PNP sa mga local opisyal na nakakatanggap ng pagbabanta sa buhay dahil sa ipinapatupad nilang clearing operations sa mga kalsada.

Sinabi ni Police General Oscar Albayalde, na dapat agad na ipaalam sa kanila kung may matatanggap silang banta sa buhay para makapagpadala sila ng security.

Nararapat na mabigyang ng seguridad ang mga local government officials dahil ito ay proyekto ng gobyerno.

Magugunitang binigyan ni Local Government Secretary Eduardo Año ng 60 araw ang mga alkalde ng Metro Manila para linisin ang kalsada sa lahat ng mga vendors at mga bahay na sagabal sa kalsada.