Reading Time: 1 minute

Sinang-ayunan ng Philippine National Police (PNP) ang pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na “very Dangerous Times ahead” ang hinaharap ng bansa.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Bernard Banac, ang pahayag ng pangulo ay naangkop at makatotohanang pagtaya sa pandaigdigang situwasyon ng terrorismo, transnational crime, at “cross-border criminal activity”.

Sinabi ni Banac, bilang pangontra sa mga nasabing banta,nararapat lamang palakasin pa ng PNP at AFP ang kanilang capabilities.

Lubos naman ang pasasalamat ng PNP at AFP na sa nakalipas na tatlong taon ng Pangulong Duterte ibinuhos nitoang lahat ng suporta para sa mga bagong kagamitan.

Aminado ang PNP nasa mas magandang posisyon sila ngayon upang gampanan ang kanilang mandato na itaguyod ang batas at pangalagaan ang kaligtasan ng publiko.