Labis na ikinatuwa ng Philippine National Police (PNP) ang matagumpay na hosting ng bansa sa ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games.

Ayon kay PNP OIC Lt Gen. Archie Gamboa, “mission accomplished” ang hosting ng bansa sa naturang biennial sporting event hanggang sa engrandeng closing ceremony nito kagabi sa New Clark City, Capaz,Tarlac.

Sinabi ni Gamboa na ikinararangal ng PNP ang kanilang naging papel sa naturang palaro.

Nabatid na nasa 27,000 pulis ang ikinalat ng PNP sa iba’t ibang mga lugar na pinagdausan ng palaro.

Samantala, kinilala naman din ni Gamboa ang kooperasyon at supporta ng mga mamayan sa maayos na pagdaraos ng SEA Games.

Sa kabilang dako, sinabi ni Spokesperson PBGen Bernard Banac na walang namonitor na major untoward incident sa kabuuan ng pagdaraos ng palaro simula noong November 30.