DAGUPAN CITY–Binalaan ng mga otoridad ang publiko pati na ang lahat ng mga business establishments na mag ingat laban sa iba’t ibang modus at scam na lumalaganap ngayon dito sa probinsya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Police Lt. Col. Charlie Angya-On hepe ng Mangaldan Pnp, wala umanong pinipiling araw at oras ang mga masasamang loob. Aniya, bigla biglang umaatake ang mga ito at kabilang sa kanilang mga modus ang Salisi Gang, Budol Budol Gang, Ipit Gang, snatching at iba pa.

Maliban dito, naglipana din ang mga pekeng pera kayat pinapayuhan ang mga mamimili na suriin mabuti ang mga natatanggap na pera upang hindi malusutan.

Binigyang diin naman ng PNP Mangaldan na ang pinakamainam na sandata laban sa mga kawatan ay ang pagiging alerto at pagkakaroon ng presence of mind.