Bulacan Checkpoint
-- Advertisements --

Generally peaceful ang unang araw ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa mga lugar na nakapailalim sa NCR Plus bubble.

Ito ay batay sa naging assessment ng Philippine National Police (PNP) ukol kanilang pagbabantay mula nang maging epektibo ang ECQ kaninang alas-12:01 ng madaling araw.

Ayon kay PNP Directorate for Operations (DO) Maj. Gen. Alfred Corpus, walang naitalang mga untoward incidents sa mga quarantine control points.

Makati curfew bubble

Aminado ang PNP na pahirapan ang pagpapatupad ng 50 percent capacity sa mga pampublikong transportasyon partikular na sa mga jeepney, habang maayos namang napaalalahanan ang publiko gayundin ang mga tsuper.

Kapansin pansin din daw na karamihan ng mga bumibiyahe ay mga essential workers na papasok o galing sa trabaho.

-- Advertisement --

Pakiusap ng PNP sa mga Authorized Persons Outside of Residence (APOR) na laging dalhin ang kanilang ID para mabilis silang palusutin sa mga quarantine at boarder controlled points.

Sa kabilang dako, kontento ang pamunuan ng PNP sa latag ng seguridad sa mga checkpoints.

Ayon kay PDDG for Operations Lt Gen Cesar Hawthorne Binag, sumalang sa masusing security briefing ang mga tauhan ng PNP bago sila na-deploy.

Lalo na at dati nang ginawa ang checkpoint nang nagsimula ang pandemic sa bansa.

Sa kabilang dako, ayon naman kay Maj. Gen. Corpus, hindi dapat matakot ang publiko kung may makita man silang mga pulis sa checkpoint na may mga bitbit na long firearms dahil ang mga ito ang nagbibigay seguridad sa kanilang mga kasamahan.