Plano ngayon ng Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang amnesty program sa mga isusukong loose firearms.

Ito’y matapos ipag-utos ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde na palakasin pa ng pulisya ang kanilang kampanya laban sa loose firearms.

Naniniwala kasi si Albayalde na sa pamamagitan ng amnesty program na kanilang ipatupad mahikayat at maengganyo ang mga may-ari ng baril na kinokonsiderang loose firearms na iparehistro ang kanilang mga armas.

Nasa mahigit isang milyon umano na mga loose firearms ang dapat ma-account ng PNP.

Target ng pamunuan ng PNP ipatupad ang amnesty program sa susunod na buwan.

-- Advertisement --

Binigyang-diin din ni Albayalde na lahat ng mga isinusukong loose firearms ay kanilang isasailalim sa ballistic exam at saka i-turn over sa PNP Firearms and Explosive Office (FEO).

Bukod sa kampanya laban sa loose firearms, paiigtingin din ng PNP ang kanilang operasyon laban sa mga gun for hire at gun running syndicates.