Kumikilos na ang iba’t ibang units ng PNP upang maimbestigahan ang umano’y secret jail na nadiskubri sa Station 1 ng Manila Police District (MPD) sa Tondo, Manila.

Ayon kay PNP spokesperson CSupt. Dionardo Carlos na may sarili ng imbestigasyon sa kaso ang PNP IAS at Human Rights Affairs Office (HRAO).

Pahayag ni Carlos na ito ay upang malaman ang puno’t dulo nito dahil may sarili din namang bersyon ang dating station commander na si PSupt. Robert Domingo at kaniyang mga tauhan.

Sa panig naman ni Atty Alfegar Triambulo ng PNP IAS, may motu proprio investigation silang isinagawa sa insidente.

At inisyal na kanilang tinitingnan ang mga kasong grave misconduct at Serious irregularity dahil mahigpit umanong ipinagbabawal ang pagkakaroon ng mga sikretong lock up jail.