Hanggang sa ngayon hindi pa nakakapagsumite ng kanilang counter affidavit ang mga pulis Caloocan na sangkot sa pagpatay sa 17-anyos na si Kian Delos Santos.

Ayon kay PNP Internal Affairs Service (IAS) Inspector General Alfegar Triambulo na kanilang hinihintay ang affidavit ng tatlo.

Ang naging pahayag ng tatlong pulis ay verbal pa lamang dahil hindi naman ito nakasaad sa kanilang counter affidavit.

Nanindigan kasi ang tatlong pulis na hindi si Kian ang kanilang hinahatak kundi ang kanilang asset.

Pahayag ni Triambulo na malakas ang ebidensiya sa tatlong pulis para sampahan ng kasong administratibo.

Inirekumenda naman ng IAS ang 14 na pulis na sangkot sa pagpatay kay Kian na isailalim sa pre-charge investigation.