Nakahanda na ang PNP Highway Patrol Group para pangunahan ang pagbibigay seguridad sa convoy ng mga head of states.

May inilaan din convoy para sa kanilang mga spouses, mga ministers at sa gagawing mga city tours.

Ayon kay PNP HPG spokesperson PSInsp. Jem Delantes na para sa convoy ng mga head of states ay 12 convoy package ang kanilang ihahanda.

Para sa mga spouses naman ng mga head of states ay mayroong 11 convoy package, 10 para sa mga ministers at siyam para sa mga gagawing city tours.

Ang PNP Highway Patrol Group ang mangunguna sa seguridad sa convoy ng mga delegado na dadalo sa ASEAN Summit.

Pahayag ni Delantes na sa ilalim ng task group diplomatic delegates convoy security nasa 426 na PNP HPG personnel ang itatalaga sa convoy ng mga delegado at head of state na kasama ASEAN Summit.

May mga nakatalag rin anyang convoy para sa iba pang delegado na nais mamasyal sa Metro Manila o may iba pang meeting na dadaluhan.

Apela ng PNP HPG sa publiko na makiisa sa mga inilatag na seguridad lalo na sa mga daan kung saan idaan ng convoy ng mga delegado.