Reading Time: 1 minute
HPG 1
HPG

Magkatuwang na ang PNP-Highway Patrol Group (HPG) at Metro Manila Development Authority (MMDA) para magmando ng daloy ng trapiko.

Simula sa Lunes makakatuwang na ng mga HPG personnel ang nasa 100 MMDA enforcers.

Nitong Biyernes isinulong ni PNP HPG Director BGen. Eliseo Cruz ang nasa 50 MMDA enforcers na makakasama ng mga HPG personnel na siyang magmamando ng trapiko mula sa Timog Avenuuue hanggang Ortigas.

Ayon kay Cruz, pu-pwesto ang HPG at MMDA sa critical points ng EDSA.

Aniya, ang MMDA ang mangangasiwa sa paniniket ng mga pasaway na motorista at HPG naman ang tutugon sa krimen sa kalsada at mga carnap na sasakyan.

Paliwanag ni Cruz, maliban sa volume ng mga sasakyan, malaking dahilan kung bakit kilo-kilometro ang trapiko sa EDSA ay ang kakulangan sa disiplina ng mga driver.

Kaya naman ipinapangako nila na pag-iibayuhin nila ang law enforcement para mabawasan ang travel time ngayong Ber months.

Maliban sa EDSA, ang ilang MMDA personal sa ilalim ng pamumuno ni EDSA traffic head Bong Nebrija ay babantayan naman ang trapiko mula EDSA-Timog Avenue hanggang Balintawak at Ortigas hanggang Makati City.