Eleazar 1
Gen. Guillermo Eleazar

Hinimok ni PNP Deputy Chief for operations PLt. Gen. Guillermo Eleazar ang mga nakasaksi at mga residente sa lugar na pinagbagsakan ng Bell 429 sa Laguna nitong Huwebes na tumulong sa imbestigasyon.

Ayon kay Eleazar, pinuno rin ng Special Investigation Task Group na makakatulong kung makakakuha ang SITG ang kopya ng mga video na kinuha ng mga tao sa lugar noong mangyari ang insidente.

Kung meron din aniyang matagpuan na piraso ng helicopter ang mga residente sa bisinidad ng pinagbagsakan ng chopper, kung maari kunan nila ng litrato kung saan ito bumagsak at ipagbigay alam sa PNP.

Aniya, ang lahat na marekober na piraso ng chopper ay kanila ring iipunin para ma-assemble sa ibang lugar bilang bahagi ng air crash investigation.

Sa ngayon, aniya ay tinatapos ng mga imbestigador ng Crime Lab, Avsegroup at CAAP ang pag-“diagram” sa crash site.

Inaasahan aniya nila na matatapos ang paggawa ng diagram ng pinagbagsakan ng lahat ng piyesa ng chopper ngayong weekend, bago ilipat ang mga ito sa ibang lugar para hindi nakakaabala sa trapiko.
T