-- Advertisements --
Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi maaabuso ang Anti-Terrorism Act na nilagdaan kahapon lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa inilabas na statement, susundin ng PNP ang mga institutional mechanisms na nagbibigay ng safeguards sa implementasyon ng batas.
“PNP assures that it will not be abused and we shall faithfully uphold all institutional mechanisms that provide safeguards to its implementation.”
Magugunitang niagdaan ni Pangulong Duterte ang Anti-Terrorism Act of 2020 (Republic Act 11479) sa kabila ng pagtutol ng iulang sektor, kabilang na ang United Nations human rights body at Bangsamoro Transition Authority (BTA).