Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na tumulong sa pagbibigay ng seguridad sa pilot implementation ng face-to-face classes sa 28 paaralan sa Metro Manila bukas, Disyembre 6.
Ayon sa PNP, mayroon na silang hawak na listahan ng mga participating schools kung saan sila maaring magpadala ng mga pulis.
Ang resumption ng face-to-face learning setup sa Metro Manila ay hindi na bago para sa mga pulis gayong mayroong may paaralan na rin noon pang Nobyembre ang nagsimulang bumalik dito.
Ang kailangan lamang anilang gawin ay sundin ang template at paalalahanan ang kanilang mga kawani na striktong limitahan ang kanilang galaw at huwag pumasok sa loob ng mga paaralan maliban na lamang kung may request ng security assistance.
Pinapaalalahanan naman ng PNP ang mga estudyante, magulang, at bantay na sumunod pa rin sa minimum health protocols para maiwasan ang pagkalat pa lalao ng coronavirus.