Dumistansya ang liderato ng Philippine National Police (PNP) sa pahayag ng DILG na dapat ala-Martial Law Style ang gawing pagbabantay ng mga Pulis ngayong panahon nasa COvid-19 pandemic ang bansa at isailalim sa “Shame Campaign” ang mga hindi sumusunod sa mga Health and Saftey Protocols.
Ayon kay PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa, ang trabaho ng mga pulis ay magbantay sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID 19 at ipatutupad lamang kung ano ang nasa Batas at sa mga Ordinansa ng Lokal na Pamahalaan.
Iminungkahi kasi ni DILG Usec Martin Dino na dapat ay mala-Martial Law Style ang gawin ng mga Pulis at ipatupad ang Shame Campaign dahil matindi na ang pagtaas ng kaso ng COVID 19 sa bansa.
Direktiba ni PNP chief sa mga kapulisan sa buong bansa na dapat ay sumunod lagi ang mga Pulis sa PNP CODE OF CONDUCT AND ETHICAL STANDARDS sa pagbabantay sa mga Quarantne Control Points lalo na sa pakikitungo sa mga kababaihan at matatanda.
Siguraduhin na nasusunod ang mga Health Protocols na ipinag-uutos ng IATF at ng DOH gaya ng mandatory na pagsusuot ng Face Mask, Social Distancing sa mga Public transport at pagbabawal sa mga malakihang pagtitipon.