bell chopper

Grounded muna ngayon ang lahat ng buong PNP fleet rotary-wing aircraft kasunod ng pagbagsak ng Bell 429 helicopter kaninang umaga sa San Pedro, Laguna.

Sakay sa nasabing helicopter sina PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa, M/Gen. Joevic Ramos, M/Gen. Mariel Magaway, B/Gen. Bernard Banac at ang aide de camp ni Gamboa na si Capt. Gayramara.

Ligtas na rin sa kapahamakan sina Gamboa, Banac, Gayamora ang dalawang piloto na sina Lt. Col. Zalatar, Lt Col. Macawili at Sr. M/Sgt Estona.

Ayon kay Police Community Relations Group at acting PNP spokesperson M/Gen. Benigno Durana, iimbestigahan nila ang insidente.

Sinabi ni Durana, kanilang isinasaalang-alang ang kaligtasan ng kanilang pinuno.
Sa ngayon, maayos na ang kondisyon ni Gamboa at ng iba pa, pwera na lamang kina M/Gen. Mariel Magaway at M/Gen. Joevic Ramos na nasa kritikal ang kondisyon.

chopper helicopter crash gamboa