Nilinaw ni PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa na hindi niya ipinag utos ang agarang pag aresto kay Sen Leila De Lima noong gabi na lumabas ang arrest warrant laban dito.

Sa katunayan, ayon kay Dela Rosa pumayag siya na magpalipas muna ng gabi ang senadora sa bahay nito at kinabukasan na lang ito arestuhin.

Aniya, nakiusap sa kanya noon ang ilang mga senador na ipagpa bukas na ang pag aresto sa senadora.

Paliwanag nG PNP chief na hindi planong arestuhin ng CIDG si De Lima nang magtungo ang mga ito sa bahay ng senadora noong Huwebes ng gabi bitbit ang arrest warrant.

Pakay aniya ng CIDG nai secure lamang ang senadora para matiyak na susuko ito kinabukassn at masiguro na walang ibang mangingialam sa pag aresto rito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here