bomb
-- Advertisements --

eleazarcpnp

Inatasan ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa pagsabog ng granada noong sabado sa harap ng Army Detachment Sa Guindulungan, Maguindanao.

Ang pagsabog ay naganap habang dumadaan ang convoy ng 20 hanggang 30 sasakyan ni Maguindanao Representative Esmael “Toto” Mangudadatu.

Si Mangudadatu ay tumatakbo bilang gubernador ng lalawigan sa 2022 national and local elections.

Ayon kay Eleazar, isang posibleng motibo lang ang pag-target kay Mangudadatu, at pwede ring nagkataon lang na dumadaan ito sa lugar nang maganap ang pagsabog.

-- Advertisement --

Bilin ng PNP Chief sa mga imbestigador, tignang mabuti ang lahat ng angulo sa insidente.

Inatasan naman ni Eleazar ang lahat ng police units sa rehiyon na paigtingin ang kanilang koordinasyon sa AFP upang mapigilan ang pag-atake ng mga lawless elements sa panahon ng kampanya.