Reading Time: 1 minute
PNP Chief Albayalde
PNP Chief Albayalde

CAGAYAN DE ORO CITY-Hinamon ni PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde si KAPA founder Joel Apolinario na tigilan na ang pagtatago at sumuko sa mga otoridad.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Albayalde na mas mainam kung sumuko na lamang si Apolinario at harapin ang mga kasong kriminal na isinampa laban ng kanya ng Securities and Exchange Commission o SEC dahil sa investment scam na kinasasangkutan ng grupo nito.

Aniya, walang humpay ang paghahanap ng NBI at PNP-CIDG kay Apolinario kung kaya’t hindi magtatagal at mahuhuli rin ito.

Muli namang binalaan ng PNP chief ang mga taong tumutulong sa pagkukubli ni Apolinario na mananagot ang mga ito sa batas.

Kabilang sa binalaan nito ang mga pulis na posibleng sangkot sa ilegal na operasyon ng grupong KAPA.