PNP PANGASINAN
PNP Pangasinan/ FB image

Mahigpit na magbabantay ang PNP Integrity Monitoring and Enforcement ang mga kapulisan na tatanggap ng anumang regalo kapalit ng kanilang serbisyo.

Kasunod ito sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang magiging problema sa PNP na tumanggap ng regalo.

Nakahanda nilang sampahan ng kaso ang mga kapulisan na mapapatunayang tumatanggap ng regalo.

Nauna na ring iginiit ng Civil Service Commission na ipinagbabawal sa mga kapulisan ang tumanggap ng anumang regalo.