-- Advertisements --

Mahigpit na binilinan ng PNP at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga may-ari ng night markets at tiangges na ipatupad ang minimum health protocols.

Kasunod ito sa paglalagay sa Metro Manila sa Alert Level 3.

Ayon sa PNP na dapat ay may mga nakakalat na karatula na nagpapaala sa mga magtutungo sa mga tianggehan at mga night markets.

Mag-iikot din ang mga kapulisan para matiyak na nasusunod ang nasabing minimum health protocols.

Sinabi naman ni MMDA chairman Benhur Abalos na maglalabas din ang Inter-Agency Task Force ng mga panuntunan para sa operasyon ng mga night markets at tianggehan.

-- Advertisement --

Base kasi sa ginawang pagmo-monitor ng PNP at MMDA ay dumami ang mga nagtungo sa iba’t ibang kainan mula ng ibaba ng IATF ang alert status ng Metro Manila.