-- Advertisements --

Maaari umanong tumagal lamang ng isang buwan ang idineklarang state of emergency sa Japan ayon kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

Nagpaabot din ng pasasalamat si Abe dahil sa kooperasyon na ipinapakita ng mga Japanese matapos ang ginawang deklarasyon.

Nakarating umano sa prime minister na karamihan sa mga kumpanya ang pinapayagan na ang kanilang mga empleyado na mag work-from-home na lamang para masigurado ang kanilang kaligtasan.

Hinihikayat din ni Abe na bawasan ang person-to-person contact habang nasa state of emergency ang bansa.

Ipinatupad ang naturang deklarasyon sa pitong prefectures sa Japan. Ito ay ang Tokyo, Kanagawa, Saitama, Chiba, Osaka, Hyogo at Fukuoka.