-- Advertisements --

Hindi na tatakbo sa pagka-presidente si dating Speaker Alan Peter Cayetano para sa halalan sa susunod na taon.

Inanunsyo ni Cayetano ang desisyon niyang ito ngayong araw, Oktubre 1, kasabay nang pagbubukas ng filing ng certificate of candidacy (COC) para sa 2022 polls.

“I really feel na kung ako man ay tatakbong pangulo, mas makaka-divide ito kaysa sa makakapag-bring together,” ani cayetano.

“So I’d like to thank everyone who worked so hard, we did our best but together with the family and close supporters, hindi po tayo tatakbo bilang pangulo ng Republika ng Pilipinas ngayong 2022 so that po maging open din ‘yung lines ko,” dagdag pa nito.

Sa ngayon, wala hindi pa sinasabi ni Cayetano kung ano na lang ang posisyon na kanyang tatakbuhan.

Gayunman, sinabi nito na tutulong siya sa pagbalangkas ng five-year plan na puwede niyang irekomenda sa mga presidential candidates na maari nilang sundin o isama kanilang mga ninanais para sa bansa.

Nauna nang sinabi ni Cayetano na seryoso niyang kinukonsidera ang pagtakbo sa pagkapangulo sa halalan sa susunod na taon.

Magugunita na si Cayetano ang running mate ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 electons.