DAGUPAN CITY – Patuloy pa ring inaalam ng mga otoridad ang halaga ng pinasalang naidulot ng pagsadsad ng foreign vessel sa karagatang sakop ng Brgy. Patar, bayan ng Bolinao, Pangasinan.

Sa ngayon hirap pa rin kasing matukoy ang pinsala sa mga corals dahil hindi pa naaalis ang foreign vessel mula sa pagkakasadsad kahit pa may ilang tugboat na ang dumating sa lugar.

Sa kabila nito, lumalabas sa inisyal na pagsusuri ng mga otoridad na positibong mayroong nasirang mga corals at nangangailangan ng rehabilitasyon.

Una nang nagdulot ng pangamba sa mga residente sa lugar na maapektuhan ang turismo at kanilang mga negosyo dahil sa insidente lalo at tourist attraction ang baybayin para sa swimming at snorkeling kung saan sumadsad ang barko.