KALIBO, Aklan – Kabi-kabila ngayon ang pustahan ng mga Pinoy sa Canada sa Game 5 sa nagpapatuloy na NBA Finals ng Warriors at Raptors.

Sa report ni Bombo international correspondent Jerose Refol, sinabi nito na halos umaabot na sa 100,000 dollars ang pustahan ngayon para sa Raptors.

Ani ni Refol, kung pupusta ng 60 dollars at manalo ang Raptors, ito ay magiging 100 dollars.

Dagdag pa nito, solid Raptors ang mga Pinoy sa Canada at tiwala sila na mapapasakamay ng kanilang team ang kampeonato.

Samantala, maliban sa pustahan, inaasahan din ang pagtaas ng presyo ng mga tickets na sa ngayon ay umaabot na sa 16,000 dollars.

Mas mahal aniya ang presyo nito sa block market lalo na ngayon na gaganapin sa home court ng Raptors ang Game 5 na posibleng masungkit na ang kauna-unahang titulo mula ng maging bahagi ng NBA.