Tinanghal bilang “Fair Play Athlete” ng 30th Southeast Asian Games ang Filipino surfer na si Roger Casugay.

Isinabay ang pagkilala kay Casogay sa closing ceremony ng nasabing torneo.

Magugunitang pinahanga ng marami ni Casugay ng iligtas niya ang katunggaling Indonesian surfer sa kalagitnaan ng kumpetisyon sa San Juan beach, La Union.

Binigyang pugay na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Casugay at maging ang pangulo ng bansang Indonesia.