Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggawad ng cash incentives sa mga atletang nakakuha ng medalya at “Order of Lapu-Lapu” award sa national team ng Pilipinas sa pagiging overall champion sa katatapos na Southeast Asian Games (SEA Games).

Sa seremonyang isinagawa sa MalacaƱang, halos 600 medalists ng SEA Games ang dumalo para tanggapin ang cash incentive at ang national award dahil sa natatanging kontribusyon sa tagumpay ng kampanya at programa ng gobyerno.

Inisa-isang ginawaran ni Pangulong Duterte ang bawat medalists ng “Order of Lapu-Lapu” at saka photo opportunity.

Batay sa batas, ang gold medalist ay entitled ng P300,000 cash; P150,000 naman sa silver medalist at P60,000 sa bronze medalist o kabuuang P79 million para sa mga medalists sa katatapos na SEA Games.

Pero maliban sa cash incentive na minamando ng batas, may karagdagang cash pa mula kay Pangulong Duterte.

Sina Pauline Lopez ng Taekwondo, Marck Jesus Espejo ng Volleyball at Jasmine Alkhaldi ng swimming ang kumatawan sa gold, silver, bronze medalists at tumanggap ng tseke mula kay Pangulong Duterte sa isinagawang ceremonial awarding.

Hindi naman nakadalo ang mga miyembro ng Gilas Pilipinas gayundin ang gymastics gold medalist Carlos Yulo na nasa Japan na para magsanay para sa Tokyo Olympics.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here