BAGUIO CITY – Masayang ibinahagi ng Pinoy pride at American Idol Season 10 finalist na si Thia Megia ang kanyang Emmy nomination.

Natanggap kasi ng 25-year-old Filipino-American singer ang nominasyon para sa “Outstanding Young Performer in a Drama Series” sa Daytime Emmy Awards, dahil sa kanyang pagganap bilang si Haley Chen sa award-winning US drama series na “Days of our Lives.”

Sa exclusive interview ng Star FM Baguio kay Thia, inamin nito na hindi pa rin siya makapaniwala sa malaking biyayang kanyang natanggap.

“I’m over the moon. I still can’t believe that I have the nomination. It’s insane. Prior to ‘Days’, my life was dedicated to music as you all know. It was totally unexpected.”

Kuwento nito, ang maging bahagi pa lang ng critically-acclaimed show ay isang karangalan na kaya naman nagpapasalamat ito dahil nabigyan pa siya ng pagkilala ng National Academy of Television Arts and Sciences (NATAS).

Ibinahagi rin nito na muntik na niyang tanggihan ang role sa TV show noong 2018 dahil nais niya sanang mag focus sa kanyang music career.

Wala rin umano itong pormal na training sa pag-arte, ngunit marami naman raw siyang natutunan mula sa kanyang mga bigating nakatrabaho sa series.

“Working on the show was amazing. I almost passed up the opportunity because I was solely dedicated to my singing. That was what I was completely committed to. Prior to that, I had no training in acting. I was thrown in in the deep end, working with these Emmy winners and nominees. It was definitely intimidating and honestly quite terrifying. The cast was so welcoming and so supportive as a family. They kept me really inspired to challenge myself, to grow and learn as an actor.”

Ipinagmalaki rin ng singer-actress ang kanyang role sa nasabing TV show at proud aniya itong gampanan ang karakter.

Ilang beses rin naman niyang naibahagi ang kanyang talento sa pagkanta sa daytime soap opera.

“Haley was initially written as pure Chinese before I was casted as her, and then she became half-Filipina. She also wasn’t supposed to sing. She wasn’t written as a singer. During the audition, I sang a little bit and they decided to write that in as well. I ended up doing a couple of duets with my love interest on the show, who is played by Casey Moss. It was definitely an honor to be able to tell a story so raw and so relevant, and also representing the Filipino community.”

Sinabi rin naman nito na hindi niya naman isinasantabi ang kanyang music career dahil sa kanyang mga acting roles.

“Music made me. The plan is to juggle both my music and my acting career. I think that they both compliment each other really well. Ever since I started acting, I’ve been more in tune with my emotions. It’s helped a lot with my music and my songwriting. I can’t see myself going without either.”

Samantala, nagpasalamat si Thia sa lahat ng mga taong sumusuporta sa kanya mula noon at nangako rin siya na babalik muli sa Pilipinas kapag maayos na ang lahat.

“Maraming salamat sa inyong lahat, for all your love and support. I’ve always carried it with me for all these years. I love you guys. I hope to see you all soon. I’m keeping my fingers crossed that it will be soon. I will do my best.”

Gaganapin ang virtual ceremony ng 47th Daytime Emmy Awards sa June 26, kung saan kapwa niyang nominado sa kategorya ang mga aktres na sina Sasha Calle, Katelyn Macmullen, Olivia Rose Keegan at Eden Mccoy.