EJ Obiena
-- Advertisements --

Binuweltahan ngayon ni Filipino pole vaulter EJ Obiena ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).

Ito ay matapos na magbago ang kanilang alegasyon na mula sa dating pamemeke umano ng mga liquidation ay naging pagkakaantala sa pagbabayad sa pasahod nito sa Ukrainian coach nito na si Vitaly Petrov.

Inamin ni Obiena na hindi niya nabayaran ang coach nito sa tamang oras dahil hindi niya mahati ang oras sa pagsasanay at pag-aayos ng mga dokumento.

Dagdag pa nito na sa kaniyang pagkakaalam ay hindi krimen ang pagbabayad ng wala sa tamang oras.

Nagbago lamang aniya ang tono ng PATAFA matapos ang pagsalita ng kaniyang coach na siya ay nabayaran naman.

-- Advertisement --

Magugunitang inakusahan ng PATAFA si Obiena na nameke ng pirma ng liquidation para sa pambayad sa coach nito mula pa noong 2018 at pinapabalik sa kaniya ang nasa P4.8 milyon na halaga ng pera.