Reading Time: 1 minute

LAOAG CITY – Isang Pilipino ang kumpirmadong kasama sa mga namatay matapos bumagsak ang sinasakyan nilang eroplano sa Hawaii noong Biyernes, Hunyo 21.

Nabatid na umabot sa 11 katao ang nasawi kasama ang mismong piloto sa nasabing plane crash.

Ayon kay Bombo International Correspondent Manny Pascua sa Hawaii, ang namatay na Pinoy ay nakilalang si Jordan Tejero, 23-anyos na dating kasapi ng US army, tubong Ilocos Sur pero kasalukuyang naninirahan sa Kauai.

Sinabi ni Pascua na pupunta sana si Tejero sa Honolulu para magsagawa ng skydiving nang mangyari ang insidente.