-- Advertisements --

ILOILO CITY- Labis na ikinalungkot na Filipino community sa Japan ang pagpanaw ni former Prime Minister Shinzo Abe

Si Abe ay binaril patay ng isang lalaki habang nagkakampanya sa Nara, Japan kahapon.

Ayon kay Bombo International Correspondent Josel Palma direkta sa Japan, hindi lamang mga Japanese ang nagdadalamhati sa pagpanaw ng dating prime minister.

Kahit ang mga Pilipino at iba pang lahi na naninirahan sa Japan ay nagdadalahamti sa pagpatay sa itinuturing na “most beloved prime minister”.

Si Abe ay napamahal na rin pati sa mga Filipino dahil sa taglay nito na mabuting kalooban.

Ang dating prime minister ay ilang beses na rin pumunta dito sa Pilipinas.