-- Advertisements --
Matagumpay na napanatili ni Filipino boxer Jerwin Ancajas ang kanyang IBF junior bantamweight title laban sa Mexican mandatory challenger Jonathan Rodriguez sa pamamagitan ng unanimous decision na ginanap sa Connecticut, USA.
Pinaburan si Ancajas (32-1-2, 22 KO) sa mga scorecards ng mga judges sa loob ng 12 rounds fight, 15-112, 116-111, at 117-110.
Dahil sa panibagong panalo ng Pinoy champion, ito na ang ika-siyam na successful defenses sa korona na kanyang nasungkit noon pang taong 2016.
Ang 29-anyos na si Ancajas na nagmula sa Panabo, Davao del Norte ay ginamit ang kanyang pagiging beterano sa diskarte laban kay Rodriguez (22-2, 16 KO).
Swerteng nakarekober si Rodriguez, 25, matapos na mapabagsak ng Pinoy sa eight round.