Tiwala ang Association Boxing Alliance of the Philippines (ABAP) na magtatagumpay ang mga Filipino boxers na sasabak sa Asia-Oceana qualifiers sa Wuhan city, China.

Sinabi ni ABAP Secretary General Ed Picson, na ang malaki ang tsansa ng mga boksingero na magtagumpay sa nasabing torneo para makatiyak sa pagpasok sa 2020 Tokyo Olympics.

Kung sakaling mabigo aniya sila ay mayroon pang world qualifying meet dalawang buwan bago ang Olympics.

Magsisimula ang Asia-Oceana qualifiers sa Pebrero 3.

Mayroon kasing anim na Olympic spots ang pag-aagawan ito ay ang 52 kgs, 57 kgs, 63 kg . at women’s 51 kg. division.

Ilan sa mga boksingero na sasabak ay sina Olypian Rogen Ladon, Carlo Paalam, James Palicte , Clark Bautista, Marjon Pianar, Eumir Marcial at Samuel Jeri Dela Cruz.

Sa women’s division ay kasama sina Nesthy Petecio, Hergie Bacyadan at Irish Magno.