Reading Time: 1 minute
Taconing
Jonathan Taconing/ Twitter image

Nabigo si Filipino boxer Jonathan Taconing para makuha ang World Boxing Council junior flyweight matapos ma-technical knockout ng unbeaten Japanese champion Ken Shiro.

Napuruhan ni Shiro si Taconing sa kaniyang kaliwang uppercut para ito ay mapatumba sa ika-apat na round sa kanilang laban na ginanap sa Edion Arena sa Osaka, Japan.

Dominado ng 27-anyos na si Shiro ang unang tatlong round para tuluyang tapusin ang pangarap ni Taconing.

Mayroon ng 16-0 win-loss record na mayroong 9 knockouts habang ang 32-anyos na si Taconing ay mayroong 28 panalo, apat na talo isang draw na may 22 knockouts.