John Dato
-- Advertisements --

Natikman ni Filipino boxer John Dato ang unang pagkatalo sa kamay ni Angel Antonio Contreras.

Nakuha ng Mexican boxer ang unanimous decision na panalo sa laban na ginanap sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.

Kahit na dominado nito ang laban ay napatumba si Dato sa ikatlong round matapos ang right uppercut mula kay Contreras.

Nakatayo pa ang pambato ng La Union subalit tuluyang nakuha ni Contreras ang panalo sa kanilang 8-round featherweight fight.

Dahil dito ay mayroong 14 na panalo isang talo at isang draw ang record ni Dato habang si Contreras ay mayroong 11 panalo, apat na talo at 2 draws.

-- Advertisement --