-- Advertisements --

Isang Pinay ang kabilang sa “Stranger Things: Season 4” na ngayon ay global number 1 show ng Netflix.

Ito nga ay ang 13-year-old Filipino-American singer-actress na si Chloe Adona na gumanap bilang si Nine (009) na isa sa mga test subjects ng Hawkins Lab.

Chloe Adona

Sa exclusive interview ng Star FM Baguio sa aktres, thankful umano ito na maging bahagi ng pinakapopolar na show sa mundo sa kasalukuyan, at hindi niya rin akalaing makakatrabaho niya ang main cast na sina Millie Bobby Brown, Matthew Modine at Jamie Campbell.

“It’s feels really surreal to be part of such a big project. I feel really accomplished and grateful that this opportunity came down my path. A lot of the big names like Millie Bobby Brown, Matthew Modine, and Jamie Campbell, they were so, so much fun to work with. I learned a lot from them because they’re very experienced and they were all very, very nice. The other cast members like the numbers, all the way from one to eighteen, they were all [like my family],” kuwento pa ni Adona.

Nagpasalamat din si Chloe sa lahat ng mga Pinoy na nagpaabot ng suporta sa kaniya.

-- Advertisement --

“I would also love to give a big thank you to my Filipino community. They’re all giving me love and support. They’re like [another whole family} to me. Salamat!”

Inimbitahan din naman ni Adona ang mga Pinoy fans na tutukan ang kaabang-abang na Volume 2 ng “Stranger Things: Season 4” sa July 1.