Screenshot 2020 05 30 13 44 58

LEGAZPI CITY – Umaasa ang isang Pilipina na naninirahan ngayon sa New York City na magne-negatibo ang hinihintay nitong COVID-19 test.

Ayon kay Noriel Grace Chan sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na boluntayo siyang nagpa-swab test matapos magkaroon ng close contact sa isang COVID patient.

Hindi naman ito nababahala dahil sapat naman aniya ang medical assistance na ibinibigay ng mga ospital sa estado sa kabila ng pagkakaroon ng pinakamaraming positibong kaso sa Estados Unidos.

Kuwento pa nito na lahat ng nagpopositibo sa sakit ay dinadala sa mga hotel upang doon magpagaling at walang anumang babayaran dahil maging ang hospital bills ay sinasagot ng pamahalaan.

Samantala, paunti-unti na rin umanong bumabalik sa normal ang sitwasyon sa naturang estado subalit sinisigurong naipapatupad pa rin ang mga health protocols tulad ng social distancing at pagsusuot ng facemask.