Malamig na bangkay na nang matagpuan ang katawan ng 28-anyos na Pilipina sa kanyang sariling bahay matapos itong patayin ng kanyang sariling pinsan sa Pittsburg, California kahapon.

Tadtad ng saksak sa buong katawan ang biktima na kinilalang si Kirstiene Catapusan. Dinala naman kaagad ang biktima ito sa John Muir Medical Center sa Walnut Creek kung saan idineklara itong dead on arrival.

-- Advertisement --

Ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagkaroon ng mainit na argumento si Catapusan at ang pinsan nitong si Henry Brodie III 29-anyos.

Nagalit di-umano si Brodie sa biktima na naging sanhi upang saksakin niya ito ng maraming beses gamit ang kutsilyo. Kaagad namang isinuko ng kanyang pamilya si Brodie sa mga pulis.

Umamin naman ito sa krimen na kanyang ginawa at ngayon ay kumakaharap sa murder charges na mayroong $2 million bilang pyansa.